Noon at Ngayon: The Evolution of Technology
Posted: April 9th, 2011 | No Comments »Usong-uso ngayon sa social networking site na Twitter ang larong #NoonNgayon. Sa pamamagitan nito, nagpapalitan ng mga kuro-kuro ang ilan sa mga kababayan natin na inihahambing ang pagkakaiba ng ilan sa mga bagay na ating ginagamit o pamamaraan ng paggawa ng mga bagay-bagay noon sa ngayon. S’yempre, malaki ang kontribusyon  ng teknolohiya rito. Obvious naman, ‘di ba?
Bilang isang batang lumaking adik sa pag-iinternet, naglista na rin ako ng ilan sa mga bagay na na-obserbahan kong nagkaroon ng malaking pagbabago sa nakalipas na taon:
Let's read books in the Library!
NOON: Library para sa Research
Naalala ko noong ako’y nasa elementarya pa lamang, naging adik ako sa paghihiram ng libro sa aming school library. Lahat na ‘ata ng klase ng libro ay nahiram ko : Science and Mathematics, Novels, Compilations, Autobiographies at kung anu-ano pa. Hindi ako tumigil noon hangga’t hindi ko napupuno ng mga titulo ng librong hiniram ang aking Library […]
A nyoker named Micamyx posted this! Continue Reading…
Leave a Reply